fbpx
Lifestyle & Culture

Catriona Gray wears IP-made clothing designed by Mindanawon

Alam niyo ba na nagsusuot ng IP-made clothing si Miss Universe 2018 Catriona Gray? Kamakailan lang ay isinuot niya ang isang magarbong scarf sa kanyang pagbisita sa Dubai upang tanggapin ang award bilang Woman of the Year. Ilang personalidad na rin, tulad ni Daniel Padilla at Francis Libiran, ang tumangkilik sa nasabing scarf.

Cacao Culture

Lingid sa kaalaman ng marami, isang Mindanawon ang gumawa nito. Ang anyo, materyal at pananahi ng B’laan Scarf ay proudly made in Mindanao. Ang disenyo ng pagbuburda sa scarf na ito ay mula sa mga T’boli na binuhay ni Wilson Niñofranco Limon. Isang Davao-based fashion designer, kilala si Limon sa kanyang malikhaing paggawa ng etnikong kasuotan ng mga tribong Mindanao. Tampok sa kanyang tatak na Niñofranco ang iba’t ibang koleksyon ng makukulay na pananamit ng Bagobo-Tagabawa, B’laan, Tagakaulo, T’boli, atbp.

Lakambini ng Lumad

Laging usap-usapan ang mga kasuotan ni Catriona kapag siya ay nakadamit ng IP-made clothing ng Niñofranco dahil sa mga disenyong tatak Pilipino. Hangang-hanga ang ating mga kababayan dahil dalang-dala niya ang modernong paggamit ng estetikong katutubo. Higit sa lahat, ginagawa niya ito habang nirerepresenta ang Pilipinas sa ibang bansa.

Malaki ang naging impluwensya ni Catriona sa brand na Niñofranco. Dahil sa dalas ng pagbanggit ng beauty queen sa designer, marami na tuloy ang lumapit dito.

Isa sa mga nasuot ni Catriona ang Tagakaulo Denim Skirt na tahing-kamay ang pinalamuting Mother of Pearls. Ayon sa isang panayam kay Limon, ang pinuno ng Tagakaulo School of Living Traditions sa Malungon, Saranggani ang nag-hand weave ng mga burda ng natatanging palda. Ang Marsala Skirt naman na sinuot ni Catriona ay gawa ng tribong T’boli.

Pangarap ni Niñofranco

Kahit lumalaki na ang pangalan ni Limon at ng kaniyang tatak, mas malalim pa rin ang pinaghuhugutan ng kaniyang mga gawa. 

My main purpose of my brand Niñofranco is to help [indigenous groups] sustain their livelihood and in order to sustain their livelihood we should sell something fast and something relatable to the market,” ayon kay Limon.

READ: [Reviving the Philippines’ food basket: Mindanao]

Pangarap ni Limon magkaroon ng fashion show sa ibang bansa kasama ang mga katutubong artisan upang ipakitang-gilas ang ibang klaseng estetiko ng kasuotang Mindanawon. 

Sa pag-disenyo ni Limon ng IP-made clothing, pinapangalagaan niya ang sining at kultura ng mga Lumad sa Mindanao. Ngunit bukod dito, siya rin ay naging kaakibat sa pag-usbong ng pamumuhay ng maraming indigenous groups.

Naging malaking hakbang naman sa larangan ng Cultural Fashion and Representation ang pagmamalaki ni Catriona sa ating mayamang kultura.

Ating patuloy na tangkilikin ang mga gawang lokal at ang mga malikhaing indibidwal sa likod nito!

View this post on Instagram

With the Mandaya’s from Compostela Valley ❤️

A post shared by NIñOFRANCO (@ninofranco.ph) on

 

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close