fbpx
The Working Pinoy

Sahod ng Kasambahay at Nurse Tataas na

Sa ilalim ng pamahalaang Duterte, ang sahod ng ating mga kasambahay ay tataas na, at ang pagtaas ng sahod ng mga nurse ay nilalakad na.

Naipasa na ng Metro Manila Wage Board ang pagtaas ng sahod ng ating mga household help o kasambahay.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, mula ₱3,500, itataas ito sa ₱5,000. Ito ay bahagyang mas mababa sa unang iminumungkahi ni Bello.

“Dinagdagan po nila ng P1,500 although ang gusto ko sana P2,500 – pero ‘yun ang desisyon ng wage board siyempre iyon ang masusunod,” ani Bello. Ito’y maisasabatas 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan. Una itong ibinalita noong Lunes, Nobyembre 25.

Advertisement

Hinihikayat ni Secretary Bello na magsumbong sa kaniyang tanggapan ang mga kasambahay na hindi nakatatanggap ng maayos na sahod. Sa pamamagitan ng mga reklamong ito, makapaghahain ng compliance order ang DOLE sa mga among hindi sumusunod sa bagong batas.

Taas-sahod para sa mga nurse, susunod na

Samantala, naipasa na sa Senado ang pag taas sa basic salary ng mga nurse sa Pilipinas. Ito’y ₱3,173 billion sa ₱4.1 trillion na national budget para sa 2020.

Sa batas na isinusulong, magiging ₱31,545 kada buwan ang basic pay ng mga nurse na nagtatrabaho sa mga pampublikong ospital.

Ipinaliwanag ni Senator Panfilo Lacson na ang taas-sahod ay kasama sa Miscellaneous Personnel Benefit Fund (MPBF) ng pamahalaan.

Dahil dito, hindi na kailangang hintayin pa ang pagsasa-batas nito. Hindi na rin kailangang hintayin pa ang budget mula sa Department of Budget and Management (DBM). Ang kailangan lang ay maipasa ang General Appropriations Act (GAA) para sa 2020 sa Enero.

Pahayag naman ni Senator Bong Go na ang balitang ito ay matagal na nilang hinihintay. Pinasasalamatan ni Go ang kanyang mga kapwa senador sa pagpasa ng bagong panukala.

Si Senator Go ang chairman ng Senate Committee on Health. Ayon sa kanya, ang kalusugan ng publiko ay pangungahing prayoridad ng gobyerno, at dahil dito ay dapat alagaan ang ating mga trabahador.

READ: Kamusta ba ang buhay OFW sa Korea?

Show More

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close