fbpx
Voices

Pan de Salawal: Pelikulang Hindi Dapat Pinalampas

Nagkaroon ng theatrical release ang pelikulang Pan de Salawal, ang award-winning Cinemalaya 2018 Official Entry, sa iilang sinehan sa Metro Manila. Kinabukasan, matatanggal na rin ito sa mga mall at papalitan ng bagong pelikula. Ngunit, napanood ba ito ng karamihan? Nung nakita nila ang titulong ito, katabi ang ibang pelikula sa ticket booth, naisipan ba nila itong panoorin?

Sa totoo lang, ang Pan de Salawal ang isa sa mga pelikulang nakapagpagaan ng loob ko. Ngayon pa lang sasabihin ko nang 4 and a half over 5 ‘to. Ito ang mga rason na sana’y ito ang pinili niyong panoorin.

 

1.)   Tungkol ito sa isang batang ulila na kayang magpagaling ng may sakit gamit ang pananakit – pagsampal, pagtadyak, pagsabunot ng buhok atbp. Nanggamot ang bubwit ng iilang tao: isang paralitiko at kanyang dalagang anak na may hika, isang butserong may tumor at kanyang binatang anak na lampa, ang pasmadong barbero at ang panaderong may kanser sa atay.

Akala ko magiging drama ‘to na parang Himala, pero nakakatawa pala! At nakakalungkot… at nakakagulat. Hindi ko alam anong genre dahil iba-iba ang pinaramdam sa akin. Sa bandang huli, naisip ko kung gaano kaikli ang buhay para palampasin ang bawat pagkakataon.

2.)   Malinaw ang kuwento kahit puno ng mystery at magic. Sa simula, nabagalan ako. Inisa-isa kasi ang bawat karakter at kanilang mga problema. Natapos ito na may klarong mensahe: ang simpleng buhay ng mga Pilipino at kung paano nila tinitiis at nalulusutan ang mga sakit at karamdaman.

3.)   Napakahusay ng mga artista. Tinimpla nila ang kwento gamit ang mga karakter na may malubhang sakit ngunit hindi mapait ang kapalaran; hindi mabigat sa panlasa. There is hope in each story. Ngunit ang the best ay si Miel Espinosa, ang batang gumanap bilang si Aguy. Tatawa ka kapag nagpatawa siya, iiyak ka kapag umiyak na siya, sasayaw ka sa sayaw niya!

 

Isang magandang pelikula na deserve ang bawat parangal!

Isa lang ang Pan de Salawal sa mga pelikulang ipinapalabas taun-taon sa Cinemalaya Festival tuwing buwan ng Agosto. Kaya kahit hindi niyo man ito napanood, may pagkakataon kayong panoorin ang mga bagong pelikula ngayong taon. Iba’t ibang kwentong Pilipino: kakaiba at nakakapanibago sa lagi nating nakikita.

Suportahan natin ang mga pelikula tulad ng Pan de Salawal at lahat ng independent films ng bansa.

4.5 out of 5 stars.

Read Flying Ketchup’s review of Clarita and Quezon’s Game.

Tags
Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close