fbpx
Lifestyle & Culture

Clarita: Just Another Possession Story?

Nakakatakot, nakakahilo, nakakalito: ang pinakabagong pelikula ng Black Sheep, ang Clarita. Isa ito sa mga pinoy horror film ngayong taon na tumatalakay ng kwentong pagsapi at demonyo.

Ang pinagkaiba nito sa mga nakaraang pelikula ng ganitong tema? Wala.

Hindi mapigilang ikumpara sa ibang possession films. Naghahanap tayo ng bagong panlasa sa ganitong tema dahil 1.) reputasyon na ng Black Sheep ang kakaiba ngunit mabisang storytelling. At 2.) mahusay ang casting – may mga baguhan at may beterano. At 3.) nakabase ito sa mga tunay na pangyayari.

Obviously, mataas ang expectations para sa pelikulang ‘to.

Advertisement

Nakakatakot

Para kay Jodi Sta. Maria, yet again, another standing ovation. Bilang si Clarita, ang sinasapian ng mga demonyo, pinakita ni Jodi ang iba’t-ibang mukha ng sapi. Nakakakaba kapag siya na ang lumalabas. Hindi mo malaman kung anong klaseng gulat, takot, o poot ang susunod niyang ibibigay. Dalang-dala niya ang karakter. Actually, binuhat niya ang buong pelikula.

Sa kabila ng kanyang natatanging pagganap, hindi mo maiiwasan ikumpara ang mga galaw at linya ni Jodi sa mga sikat na possession movies. Magaling, ngunit hindi bago.

Nakakalito

Pagdating sa mga possession films, isang risk ang bigyan ng backstory ang mga supporting characters. Either you focus on the exorcism or tell the story of why the exorcism happened.

Malaking risk ang ginawa ng Clarita. Hindi sila nagkulang sa mga exorcism scenes, yes. Sinubukan nilang bigyan ng koneksyon ang bawat karakter sa mga masasamang idinulot ni Clarita. It just didn’t add up as expected. The intention was there, but it didn’t cause that added horror factor.

Dahil rin siguro sa pagkakasunod-sunod ng mga eksena. Madali lang intindihin ang kwento; ngunit nakakalito ang pagtalon ng bawat eksena. Ang hirap tuloy sundan ang backstory ng mga karakter.

Nakakahilo

For a horror movie that was set in the post-Japanese War era, ang liwanag ng buong pelikula. The visuals were so perfect – too perfect. Dahil sa linaw ng pagkakuha, maraming eksenang hindi na nakakatakot. Sana’y nabigyan nila ito ng grit at harshness pagdating sa pagkulay upang makadagdag ng takot at kaba.

Sa bandang huli naman ng pelikula ay talaga namang kahindik-hindik na; lalo na sa mga eksorsismo ni Clarita.

Overall, it’s an ~okay~ horror movie. Magandang panoorin isa hanggang dalawang beses. PG-13 ang rating nito, if you ask me.

2 out of 5 stars.

Read Flying Ketchup’s review of Kuwaresma and Hintayan ng Langit: Pag-ibig sa Langit, sa Lupa at sa Gitna

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close