fbpx
Lifestyle & Culture

Quezon’s Game: His Story is Our History

Directed by film veteran Matthew Rosen, ang Quezon’s Game ay sumusunod sa genre ng mga period films tulad ng Heneral Luna at Goyo na usong-uso ngayon. Napapanahon at angkop ang pelikula dahil tinatalakay nito ang tema ng malayang pamamahala ng Pilipinas sa kanyang foreign policy ng walang impluwensya mula sa ibang bansa.

“I prefer a government run like hell by Filipinos to a government run like heaven by Americans,” yan ang mga salitang binitawan ni Manuel Quezon sa pelikula. Sadyang napakaganda at kakila-kilabot madinig lalong-lalo na’t nakikita natin itong sentimentong ito ngayon kay Tatay Digong at ang kanyang “independent foreign policy mula sa Amerika.”

Wari ko, laki ng ngiti ng dating Pangulong Quezon sa langit dahil sa wakas, ang mga pinaghirapan nila noong panahong iyon nila Osmeña at Roxas ay naisakakatuparan na sa Pilipinas ngayon.

Tunay na tayong malaya. Hindi man perpekto ang pagpapatakbo ng bansa, taas noo naman nating masasabi na di na tayo ang mga “little brown brothers” ng Amerika. May tapang na tayong tumanggi sa mga “foreign aid” na may mga mapaniil na kondisyon at di na tayo magpapabully sa ibang mga bansa na ginagawa tayong tambakan ng basura. Yan para sa akin ang tunay na #PinoyPride.

Advertisement

Kaya’t kung may oras kayo, tangkilikin natin ang Quezon’s Game. Bukod sa mga feels mula sa storya na pinagsasabi ko, mamamangha ka na naipakita ang ganda ng Manila “Pearl of the Orient,” na ngayo’y sa mga lumang larawan at libro na lang natin makikita. Nakaka-bilib din ang acting ng mga bida na si Raymond Bagatsing (bilang Manuel Quezon) at Rachel Alejandro (bilang Aurora Quezon) dahil kung manonood ka sa YouTube ng archival footage ni Quezon, parang aakalain mo na siya talaga ang napapanood mo.

So ayan, suportahan natin Quezon’s game para naman masundan pa ng ibang mga pelikulang ipinapakita ang mga kwento at buhay ng mga bayaning Pilipino.

4 out of 5 stars kung proud ka sa pagiging Pilipino. Anything lower, masyado mo namang sineryoso ang panonood ng pelikula, di naman siya documentary.

This review was submitted by Flying Ketchup reader Mr. Gabriel Luna.

 

Check out our other Movie Reviews:

 

Between Maybes: Love and Escape in Saga

Maria: Aksyon O Panay Usapan?

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close