fbpx
Fertile Ground

NFA pinadali ang pagbili ng palay sa Pangasinan

Pinadali na ng opisina ng National Food Authority (NFA) sa Pangasinan ang pagbili ng palay sa mga magsasaka. Ito ay bahagi ng pagsisikap ng ahensya na tulungan ang mga magsasaka ng probinsya.

Sa isang panayam, ayon kay NFA Eastern Pangasinan Manager Veralew de Vera, binawasan nila ang mga hinihinging dokumento para mas ma-engganyo ang mga magsasakang makipag-transaksyon sa kanila.

“Hindi na kailangan ng passbook. Manghihingi lang kami ng patunay mula barangay na magsasaka talaga sila,” ayon kay de Vera.

Ang nangyayari daw kasi, sa mga pribadong negosyante nagbebenta ng palay ang mga magsasaka. Isang dahilan daw ang dokumentasyon kaya nila ito ginagawa. Siyempre andiyan din ang lapit at dali ng pagbenta. May sasakyan ang mga negosyante na ito. Pumupunta sa baryo nila, at bayad agad.

Advertisement

BASAHIN: [Buhay After Abroad: Mga Kwentong Agribusiness]

Ang kadalasang presyo sa pagbili ng palay ng mga pribadong negosyante ay P12 hanggang P18 kada kilo. Ang NFA ay bumibili sa P19 kada kilo.

Sa NFA na lang

 Ngayon, magtutuloy-tuloy na ang pagsundo ng NFA sa palay na kanilang binibili gamit ang sarili nilang sasakyan. Sila na ang magbabaryo-baryo. Dati kasi, yan talaga ang hinaing ng mga magsasaka. Na kahit gusto nila ibenta sa gobyerno ang kanilang ani, at sa mas mataas na presyo, hindi masundo sa kanila. Nahihirapan silang dalhin pa sa bayan ang palay, lugi sa pamasahe, mag-aarkila ng sasakyan. Kaya napipilitan silang magbenta sa mga pribadong negosyante.

“May mga tao ang NFA na pupunta sa mga baryo. Hindi na kailangan ng mga magsasaka mag-arkila ng trak para dalhin nila sa amin,” giit ni de Vera.

Sa kasalukuyan, ang NFA Eastern Pangasinan ay may imbak na 300,000 na sako ng bigas. Ngunit ayon kay de Vera, patuloy pa rin ang pagbili ng palay sa mga magsasaka.

Naghahanda na rin ang lokal na gobyerno ng Pangasinan na tumulong bumili ng palay.

 Salin mula sa orihinal na artikulo ni Ahikam Pasion ng PNA

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close