Lifestyle & Culture

Kuwaresma: Ibang Klaseng Katatakutan

Ibang klaseng takot sa napaglumaang kwento – ang Kuwaresma ang pinoy horror film na kailangan mong panoorin ngayon taon.

Baguio, 1985 – madilim, maulap at nakakapangilabot. Pinagsama ng direktor na si Erik Matti ang nginig ng klasik horror films ng dekada 80 at ang linaw ng modern filming. Klaro ang storytelling at nangingibabaw ang bawat linya ng mga karakter. Inangat ni Matti ang ibig sabihin ng isang horror film na dekalidad ang pagkakagawa at may delicadeza sa kultura.

Kumpara sa mga naipalabas ngayong 2019, ang Eerie (Raymund Red) at Maledicto (Mark Meily), dadayain ka ng mga elementong akala mo’y tatalon ka lang sa gulat. Tumatagal ang scare factor dahil hindi lang umaasa sa isang saglit na eksena ang kinakatakutan. Pinaparamdam sa mga manonood na parang sila ang sinasaktan, sila ang hinihila pababa ng hagdan o sila ang pinapasukan.

Hindi ito bagong style ng horror – pero ito ang namiss natin.

Dagdagan mo pa ang taas-balahibong pagganap ni John Arcilla bilang Arturo; isang retiradong sundalo at ang mapanakit na ama ni Luis. Dahil sa pagkamatay ng kanyang anak na babae na si Manuela, nais ni Luis lutasin ang mga nangyayari sa loob ng kanilang bahay. kaba at pandidiri ang mararamdaman mo sa mga eksena ni Arcilla. Napanindigan niya ang hagupit ng isang ama na naniniwalang dahas ang sukatan ng pagiging tunay na lalake.

Para naman kay Sharon Cuneta bilang Rebecca, natural na sa kanya ang pagiging nanay. Pero ang kumalaban sa mga elemento? Iba ang binigay ng Megastar sa kanyang unang thriller project.

Kakaibang atake sa pangkaraniwang kwento ng pamilya, pananampalataya at paniniwala na may impyerno sa lupa.

Ang Kuwaresma ang aalis ng maskara sa kung anong uri ng demonyo ang pumapalibot sa iyo o anong uri ng demonyo ika’y naging.

3.5 out of 5. Panoorin ito sa sinehan – kailangan kitang-kita ang pagkakagawa at mga lalabas sa harap mo.

 

Check out our other Movie Reviews:

Clarita: Just Another Possession Story?

Between Maybes: Love and Escape in Saga

Maria: Aksyon O Panay Usapan?

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *