Lifestyle & Culture

Maria: Aksyon O Panay Usapan?

Ang bagong Netflix action film, Maria, pinagbibidahan ni Cristine Reyes, na nakakahanga ang mga eksena pero pangkamot-ulo ang istorya.

Binabalik na talaga ang action films sa mga sinehan. Dati, ang mga action star gaya ni FPJ ang bumibida sa takilya pagdating sa bakbakan. Ngayon, mga babae na ang tagapagligtas ng mga inaapi at naghihiganti sa mga nang-aapi. Ibang-iba ang atake ngayon: mas cinematic, mas may grit, mas suspenseful.

Ang pinagkatulad? Punong-puno ng aksyon, wala namang kwento.

Hilaw ang storytelling, pero bawing-bawi sa fight scenes. Nakakalibang panoorin lalo na ang mga eksena ni Maria at ni Miru (Jennifer Lee). Halatang pinaghandaan ng martial arts training at paggamit ng armas.

Maliban kay Reyes, binibida ng pelikula ang bawat bakbakan at torture scenes. Sa labis na pagtuon sa labanan, nilaban nila ang kwento sa dialogue ng mga karakter. Masyadong maraming usapan.

Usap tuwing nagbabakbakan, usap kahit naiintindihan na ng manonood ang nangyayari.

All that talking didn’t justify the build-up of the story. Napakahaba ng foreplay, hindi ka naman natuwa sa ending.

Nag focus ang pelikula in providing a bigger space for female characters to show their prowess.

Maraming nasayang na opportunities. Hindi nabigyan ng mas detalyadong kwento ang mga kontrabida. Si Kaleb (Ivan Padilla) at Dela Vega (Freddie Webb), ang trigger-happy antagonists, na may malinaw na plot of torture and vengeance – added value pa na foreigner ang karakter. Kaso, hindi sila nakakatakot. They did not cause any pain or fear whatsoever.

On the plus side, napakaganda ng cinematography. Mapapa-ilag ka sa mga suntukan dahil high-quality ang mga eksena. Director of Photography Paolo Orendain crafted a visual imagery that would treat the eyes of action and suspense lovers.

Ang Maria ay isang testamento na kayang-kaya tapatan ng mga pelikulang Pilipino ang ibang bansa pagdating sa produksyon at film editing.

Sa totoo lang, maganda naman ang pelikula. It’s a good visual content you would like to see at least once. Watch it as a good night cap, pampatanggal ng pagod.

3 out of 5 stars ‘to.

 

Check out our other Movie Reviews:

 

Between Maybes: Love and Escape in Saga

Quezon’s Game: His Story is Our History

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *