Lifestyle & Culture

Hintayan ng Langit: Pag-ibig sa Langit, sa Lupa at sa Gitna

Ang pelikulang pinagbibidahan ni Eddie Garcia and Gina Pareño, ang Hintayan ng Langit, ay isa sa mga kwentong dadalhin niyo hanggang kamatayan. A simple story of fantasy filled with truthful lessons of reality. Ang indie film na pinalampas sa sinehan noong 2018, ngayon available na sa Netflix!

Dito lang sa pelikulang ‘to nalista ang mga pinagsisisihan ko sa buhay at mga what ifs na habambuhay ko na lang dadalhin – siguro hanggang makarating sa langit. In this case, hanggang purgatoryo.

The storytelling is out of this world – literally! Ibang klase magsulat si Juan Miguel Severo. Kahit nasa generation tayo ng hugot lines at quotable quotes, hindi ito pinilit maging ganoon.

Ang bawat linya ay akma sa nais iparamdam ng eksena. Tatawa ka dahil nakakatawa ang ginagawa, iiyak ka dahil nasasaktan ang mga bida.

Dahil na din kay Eddie Garcia at Gina Pareño, nasalaysay ang kwento ng mga karakter nang maayos. Iilan lang sa mga nakapanood ang nagsasabing mahina ang acting. Arguably, Garcia and Pareño’s characters, Manolo and Lisang, are old people reminiscing their regrets and broken promises; putting all their willpower to compensate the lost years.

Mararamdaman mo pa rin ang emosyon sa pagbitaw nila ng linya. Nadala naman ni Jomari Angeles at Mary Jo Apostol, ang mga batang karakter, ang bigat ng emosyon sa backstory.

The level of drama within its timeline was made right.

The production made realistic concepts to tell a story of flights and departures to heaven. It was a creative take of the afterlife in a Filipino context. From the props to the extras, mapapansin mo ang mga maliliit na detalye dahil parte ito ng kwento; na parang may sariling kwento na din ang mga pumapalibot sa paligid. Napakahusay!

Dalawang kaluluwang kailangang magkita bago makarating sa langit. This story concept made for a mini theater, now made for the big screen. Mapapaisip ka sa mga posibilidad ng nakaraan at oportunidad pagktapos ng buhay sa lupa.

READ: [Indak: A Very Long Music Video]

It was not an amazing story of life and love. It was simply a love story needed to be told. At ngayon, mapapanood na ito ng mga Pilipino. Watch it now on Netflix (Heaven’s Waiting)!

5 out of 5 stars.

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *