fbpx
Lifestyle & Culture

BULCACHONG: Davao’s Pride

Hindi na lang mga turista ang dumadayo sa Davao. Dahil sa pag-unlad ng siyudad, marami na rin ang nananatili dahil sa mapayapang kapaligiran, nakakatuwang kultura at napakasarap na pagkain. Ipinapakilala: ang Bulcachong. Mula sa sinabawang karne ng kalabaw, pinakuluan ng luya, dilaw na sibuyas, harina, tanglad, achuete at isang sikretong sangkap na pampalinamnam.

Sa marangyang pagkakakilala ng Davao bilang King City of the South, hindi aakalaing napakamura ng mga putaheng mabibili. Kapag food trip ang usapan, ang putaheng ito ay laging binabalikan.

Ngayong tag-ulan, hindi mauubusan ang Davao sa numero unong hahanapin mo tuwing malamig ang panahon: ang sabaw. Paborito ng mga Dabawenyo ang Hinalang, Balbacua at Bulalo sa Bankerohan. Ngunit isang sabaw ang laging pinipilihan ng lahat – ang Bulcachong.

Advertisment

Alam niyo bang tanging dito lang sa Davao makikita ang orihinal na Bulcachong? Pinagkakamalan itong Pochero dahil sa kulay at lasa. Ngunit hindi karneng baka ang gamit, kundi karneng kalabaw. Pinapakuluan ang karneng kalabaw ng mahigit tatlong oras hanggang sa ito’y lumambot at natutunaw sa bibig.

Bulcachong’s Official Facebook Page

Pang araw-araw na putahe

Dahil bente kuwatro oras bukas ang Bulcachong sa may Poblacion District, dinadayo ito ng mga lokal tuwing tanghalian hanggang hapunan. Sa madaling araw, pinipilahan naman ito ng mga gustong magpalipas ng kalasingan. Sabi nila, dahil sa masebong sabaw at maluyang lasa ng Bulcachong, mainam ito sa pagtanggal ng tama.

Hindi rin nakabibigla na marami nang sumubo gumaya sa recipe ng Bulcachong. Ngunit dahil mahirap hanapin ang karneng kalabaw – na masagana sa Davao – at mayroon itong mga sikretong sangkap na hanggang sa kanilang kusina lang mahahanap, mas mabuti pa talagang dumayo na lang sa Bulcachong restaurant.

Tunay na ipinagmamalaki ng mga Dabawenyo ang putaheng Bulcachong, at kahit ang Pangulong Rodrigo Duterte ay gustong-gusto ito. Kaya sa susunod na bisita sa Davao, wag niyo sanang palipasin ang pagkakataon na kumain ng tinaguriang Davao’s Pride.

READ: Why the World is Ready for Filipino Food

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close