Jannah Theme License is not validated, Go to the theme options page to validate the license, You need a single license for each domain name.
Lifestyle & Culture

Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi: A Hidden Gem in Netflix PH

Hidden gem ang pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wi-fi sa Netflix. Kung naka subscribe ka, type mo lang: The Girl Allergic to Wi-fi.

Talagang recommended ang pelikulang ‘to dahil sobrang light lang ang kwento.

Ito’y tungkol sa buhay ni Norma, isang dalagang adik sa social media. Nang ma-diagnose siya ng Electromagnetic Hypersensitivity Disorder o EHS, kinailangan niyang talikuran ang buhay na nasakanayan niya. Malayo sa mga cellphone, TV at Wi-fi, pati na rin sa taong kanyang iniibig.

You can call it your typical teeny-bopper chick flick, but the story is relevant because it touches the reality of how much our lives are dependent on technology, devices, and social media. Imagine, gigising ka na lang tapos ‘di ka na pwedeng mag cellphone at manood ng TV?

PPP entry, naging Netflix hit

Gawa ng manunulat at direktor na si Jun Robles Lana, ang The Girl Allergic to Wi-fi ay unang lumabas noong 2018 bilang isa sa mga entry ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Sumusunod ito sa linya ng mga award-winning na pelikula ni Robles Lana tulad ng Die Beautiful, Barber’s Tales at Anino Sa Likod ng Buwan, mga pelikulang hindi lang socially-relevant, napaka entertaining din.

Sinulat ni Robles Lana ang kwento sa isang matulang paraan. The lines and scenes were realistic. Hindi pilit ang suliranin ng mga bida. Nasagot ang bawat tanong. Maliwanag ang premise at ang ending. We have the cast to thank for it.

Sue Ramirez as Norma was a perfect fit. Balanse ang pinakita niyang enthusiasm at misery sa kanyang character. Si Jameson Blake ang hero ng pelikula, particularly ang interaction niya sa bawat character kaya naging believable ang kwento. They were both very relatable.

Napakaganda ng soundtrack. Ang mga kanta ni Keiko Necesario ay isa ding hidden gem ng OPM.

Kung mahilig kayo sa mga feel-good, heartwarming movies, watch niyo Ang Babaeng Allergic sa Wi-fi sa Netflix.

RELATED: Hintayan ng Langit (Movie Review)

4 out of 5 stars.

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *