fbpx
Lifestyle & Culture

Just a Stranger: Misteryoso at Makasalanan

Ang pelikulang handog ng Viva Films ngayong Agosto, ang Just A Stranger, ay nangakong magdadala ng panibagong init sa mga sinehan.

Ilang beses nang gumawa ang Viva ng mga istorya tungkol sa ipinagbabawal na pag-ibig, at ang bidang napili para dito ay si Anne Curtis, ang suki sa mga sexy drama tulad ng No Other Woman at A Secret Affair.

Sa Just a Stanger, tinatalakay ang May-December love affair: isang relasyon kung saan ang isa ay higit na mas bata kesa sa isa.

Ang mga gumanap

Ito ang kwento ni Mae – isang maybahay na nababagot sa kanyang kasalukuyang relasyon. Dahil sa isang hindi inaasahang pagkikita, nakilala niya si Jericho, isang binatang kalahati ng kanyang edad.

Ang dapat na one-night stand lamang ay naging sikretong pagsasama. Sa kanilang pagkakamabutihan, hinanap nila sa isa’t isa ang mga kakulangan sa kani-kanilang mga buhay. Sa bandang huli, ang kanilang mga sikreto ay may kahahantungan.

Nakagawian na sa ganitong genre ang overacting ng mga bida at kontrabida para tumaas ang entertainment value. Kompara sa ibang pelikula ni Curtis, dalang-dala niya si Mae. Sinabayan niya ang pagkamisteryoso ng kanyang karakter. Hindi niya kinailangan ng labis na pag-arte upang maipahayag ang kwento.

Ang kanyang kapareho na si Marco Gumabao na gumanap bilang si Jericho o Jekjek ay dapat bigyan ng malakas na palakpakan. Sa kanyang unang leading man role, napanindigan niya ang personalidad ng isang nagbibinata. Bukod sa bagay sa kanya ang role, hindi nagpasapaw si Gumabao sa kanyang leading lady. Siya ang nagbigay ng lasa sa kwento.

RELATED: Eerie: Nakakagulat Pero Hindi Nakakakilabot

Ang mga eksena

Sa isang pelikulang puno ng love scenes, hindi nagkaroon ng matinding climax. Pinuno ni Direktor Jason Paul Laxamana ng maliliit na mga twist, kaunting katatawanan at maraming katanungan na hindi binigyan ng sagot. Mahohook ka na sa simula at madadala ka sa pasikot-sikot. Pero pagdating sa pinakainaabangang pagtatagpo, biglang bumaba ang excitement.

Gayunpaman, makukuha ng Just a Stranger ang loob ng mga manonood. Maaapektuhan ka kahit hindi mo pa nararanasan ang mga pangyayari.

Misteryoso at makasalanan, ang Just a Stranger ay isang must watch!

3 out of 5 stars.

RELATED: Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi: A Hidden Gem in Netflix PH

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close