Lifestyle & Culture

Tiktok star Sassa Gurl on journey to overnight fame

Join our chikahan with Sassa Gurl, one of PH's biggest social media personalities, and discover her life beyond the iconic 'Mima ng Lahat'.

Flying Ketchup: (FK): Who is Sassa Gurl?

Sassa Gurl (SG): “So I am Sassa Gurl, my real name is Felix Petate Jr., 25 years old, I’m from QC and I am a Tiktoker. My pronouns are she/her. Si Sassa Gurl sa friends, unlike sa videos, hindi ganoon kabongga ang energy, especially kapag kasama ang mga straight people. ‘Yung sa videos splice lang ‘yun. May mood ako na super high energy, like gusto magpatawa, maging funny, but may mood din ako na gusto tahimik lang, cool lang, chill lang. As an anak, suwail ako minsan. hahaha, I’m a rebel, but sinusunod ko pa rin sila lalo na ang mudji ko.”

Viral Tiktok Star Sassa
Felix Petate Jr./Sassa Gurl childhood photos
FK: Kumusta ang journey ni Sassa Gurl sa buhay at sa Tiktok? Mahirap ba o madali?

SG: “Madali lang ba journey ko? Kung Tiktok yes. Pero kung journey throughout my life, no. Magkahiwalay ang nanay at tatay ko. Hindi rin ako lumaking may privilege. Although nakatira ako sa malaking bahay, caretaker lang kami. We are not rich. Wala akong privilege mamili, I don’t have options. Pero ang journey ko sa Tiktok madali, naaktuhan ng pandemic where you don’t have to go somewhere else to start a career. Ang nakakatuwa is lahat nangyari sa kwarto ko, ‘yung 3 million nag occur sa four sides ng aking bedroom. Despite the struggle and limited resources, nailaban ko. Even if you are inside a box, you can still be creative.”

FK: 3 million is an outstanding number, and your following is still growing. Paano mo narating ‘yun? What led you to Tiktok?

SG: “It all started noong highschool. Highschool was my heyday, I was full of energy and wit. Tapos ‘yung mga kaklase ko vinivideohan ‘yung mga candid moments ko. Tapos kapag nakikita ko na pinipost nila sa Facebook imbes na mahiya ka ‘diba like may video kang ganito, ako hindi. Ako natutuwa ako kasi they are laughing, na natutuwa sila, na tutok sila sayo.

Noon wala akong phone, ang meron lang ako is the wit and the performance. Then jumping to college, I was first year noong first time kong sumalpak sa stage ng FEU, nagpapansin lang ako. Nakita ko may mga nag video, naaliw ako. Tapos may friend ako na laging pinopost ako sa YouTube tapos nakikita ng mga blockmates ko and other sections. Natutuwa ako sa concept ng videotaping yourself.

Pero here come the problem, nag stop ako ng college. Sa FEU o school lang ako nagkakataon na ma-videohan ang sarili ko kasi ako at mga friends ko wala kaming cell phone. Wala kaming anything. Mga squammy lang kami. Pero tuloy pa rin ‘yung pag ka-funny ko. Pero kahit nag stop ako, na-explore ko ‘yung humor ko kahit nag stru-struggle. Dahil nag stop ako sa college, napilitan ako mag work. Nagsimula ako as stylist. Nakita ko yung mundo ng showbiz at ‘yung rawness ng tao, na ganito pala ‘yung eksena na may nasisigawan, nabubulyawan. Ako rin nasigawan. May isang artista na tinalakan ako dahil may hindi siya nagustuhang damit. Inirapan ako and I was like ganito pala maging behind the scenes. Then here come the time na nagkaroon ng konsepto ng influencer, na you will videotape yourself.

Noong una gusto ko mag showbiz, kaya ko vinivideohan sarili ko para ma-discover ng isang talent scout. Pero the thing is, wala akong resources, wala akong phone, wala akong editing materials.”

FK: After that, what did you do?

SG: “Then nagwork ako sa call center and nakabili ako ng matinong phone.  Umalis ako sa work after ako makabili. After that, na-tengga ako. Hindi ako nag bi-video. Wala akong drive gumawa ng content. Hanggang sa nagkaroon ng pandemic. Nagkaroon ng time na wala talaga kaming makain. Doon ko na hinugot ‘yung drive na to push it and to do content.

‘Yung Tiktok ko to be honest, it’s accidental kasi sa Facebook lang talaga ako nag popost. ‘Yung Tiktok maganda naman kasi pwede ka doon mag edit, shoot, and post. But wala akong followers at kakilala sa Tiktok at nacocornyhan ako to be honest. Hanggang sa Facebook ‘yung mga friends ko hindi shineshare ‘yung content ko, pinapanood lang nila o Like. ‘Yung engagement hindi lumalawak. Then ayun nag post ako sa Tiktok, pinost ko nalang kasi nasa isip ko wala naman makakapanood. Then O my God, may mga nanood kahit wala akong follower. Nagkaroon ako ng traction! Lesson learned na ituloy-tuloy mo, i-push mo nang i-push hanggang sa dumami.”

READ: Influencers’ Tax: A New Frontier?

FK: Do your parents know you are famous online?

SG: “Yung mama ko hindi n’ya alam na ako pala si Sassa Gurl. Nalaman n’ya lang noong nagkaroon ng engagement, ng following. Kasi yung mga amigas niya sinasabi sa kanya. Noong una lang deadma lang talaga siya. Mga nasa 2M o 1M pa lang ako noon. Hindi niya alam. Tinatanong niya kelan ako mag a-apply ng trabaho. Bakit daw ako sumisigaw sa kwarto ko, bakit para akong may kaaway. Ayan ‘yung mga talak ng nanay ko. Sino raw kaaway ko, ang ingay-ingay. Hindi niya maintindihan ang mga eksena sa kwarto ko.”

FK: A significant portion of our population knows you, what does it feel like to have millions of followers?

SG: “Well, nakikilala na ako sa public, marami na ring nagpapa-picture. ‘Yung pinaka masaya sa experience  e ‘yung nakikita ko sa mga bata na nagpapa-picture sa akin lalo na ‘yung mga baby bading. Natutuwa ako na ‘yung mga hindi ko nagagawa noon, sila nagagawa nila ngayon. I always try to be more humble and accessible as possible. Hindi ako tumatanggi magpa-picture o magpa-video greet sa fans. Nirereplyan ko rin sila sa social media. I’m always with the people, isa pa din ako sa mga tao. May mga tao na sumikat tapos nilalagay nila sarili nila sa pedestal. Ang fans nila is tinitingala sila. ‘Yung mind set sa atin na “Dapat tingalain ka nila”. Ako hindi. I don’t want na tingalain ako, I want na kasama ko sila, you know? Like a social gathering. IATF left the group. Hahaha.”

Viral Tiktok Star Sassa
Sassa Gurl’s famous crochet bralette
FK: You mentioned that you are happy na the LGBTQIA+ youth is somehow nagagawa na nila ang gusto nila, what happened during your childhood?

SG: “Noon kasi issue ‘yung sexuality ko, both sides. Pero ‘yung tatay ko talaga ‘yung extreme, he went where there is violence. There was pamimilit na huwag akong maging bakla. Syempre ako as an LGBT+ member, ine-explain ko din. It took some time bago nila maintindihan na ganito ako, na ganyan talaga ang dapat, na tama ito.”

FK: As an influencer, what is your biggest achievement so far?

SG: “Noon hindi ako nakakapag provide sa magulang ko dahil wala akong pera, walang trabaho. Ngayon nakakapag provide na ako. Pero its not just about the money. I saw na nakakapag bigay ako ng impact. Meron nag p-pm sa akin na “thank you Sassa Gurl natulungan mo ako”.

Akala ko noong una joke time lang, pero syempre nagkaroon na nang maraming message, paulit-ulit. Narealize ko hindi na ito biro. Sinasabi nila I saved their mental health, na nakatulong kahit papaano sa anxiety or depression nila. I’m so thankful, na naka-contribute ako sa happiness nila. I feel honored. Isa ‘yun sa biggest achievement ko I think.”

FK: What do you think is the most important value that an influencer should have?

SG: “I think the best thing is authenticity talaga. Hindi man ito ‘yung kabuuan ko ang nakikita n’yo sa Tiktok, at least it’s a portion of me that is true, na hindi fake, na hindi ko kayo tinotokis. Hindi ito bulaan lang. It’s true, it’s me. Marami kasing influencer na nagbago. Nakikita mo na “ay nagbago siya.” The reason nagkaroon ako ng traction because I represent people na hindi masyado napapakita sa media. Yung mga femme, unconventional beauty, baklang kanal, baklang laki sa laylayan, the gangsters, mga batang hamog, mga nasa computer shop. I think ‘yun ang part na hindi ko babaguhin dahil ‘yun ako.

Mahalaga na nakikita tayo sa media, na masabi nila na “ay tama ‘to”, “ay hindi ‘to playtime o dogshow”. May nakita ako isang beses may baklang pulubi, sabi “Nay awayin mo si buknoy.”  Ay kilala n’ya ako, alam n’ya ‘yung mga ganap. Ito kasi ‘yung mga baklang I represent, I want them to be confident. I want to show themselves, even though nasa laylayan ka, you can still be something. You can still make it.”

Viral Tiktok Star Sassa

FK: You are known for your unique dental features and for being “maasim”, can you share some stories about it with our readers?

SG: “Noong bata ako naaaliw ako sa ngipin ko kasi mahilig ako sa cartoons, doon ko rin ata nakuha ang humor ko sa panonood. Iyong ngipin ni Bugs Bunny iconic, ‘yung ngipin ni Spongebob iconic ‘di ba? Maraming mga ngipin na hiwa-hiwalay sa cartoons then there’s a time noong nag-aaral ako sinabi nila “ay bakit ganyan ngipin mo?” So, the insecurity nandoon. Hindi nila siguro na-appreciate ngipin ko kasi wala silang cable. Charot. Doon ko nakuha insecurity ko, kasi mga kaklase ko tinutukso ako. Rabbit daw. Kaya gustong-gusto kong mag pa-brace noon, ‘yun ang goal ko sa life. Pero ngayon nakikilala na ako dahil sa ngipin ko, kaya naisip ko this could be my brand, my key to fame, my weapon of mass destruction.”

FK: Are you still planning to have dental braces?

SG: “Hindi ko babaguhin ang ngipin ko. Never. Nope, unless it’s cancerous. Hahaha.”

FK: Your fans calls you “maasim”. What’s your reaction on that? Maasim ka ba talaga?

SG: “Yes. Sometimes. Oo. We have body odor issues, meron gano’n pero nakakaaliw kasi ‘yung asim isang weakness na naging strength ko na tulad ng ngipin ko, ‘yung pagiging kanal ko. Ito ‘yung mga bagay na shina-shy away ng tao, ‘yan iyong mga gusto nilang baguhin pero ako hindi. May nagko-comment na baka ma-offend si Sassa, no! Hindi ako na-ooffend. Naaaliw nga ako. Isa ito sa mga bagay na nakita nila sa akin, ‘yung asim, but hindi nila alam itong asim na ‘yon, that’s what you call being one with them. Kasi maasim din sila. The asim is the authenticity, the being real, na hindi ka humaharap sa camera na ayos na ayos. You are asim, na hindi ka naligo. It’s you. You get it?”

FK: What do you want to say sa mga aspiring content creators?

SG: “People will underestimate you. Pero makikita mo na hindi totoo ang sinasabi nila. Go for it.”

FK:  To your fans?

SG: “I love you, matitigas man ang ulo ninyo o maasim kayo, isa man kayo sa mga baklang kanal o sa mayayaman. Hindi man kayo kagandahan, laban!”

FK: What is next for Sassa Gurl?

SG: “The world.”

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *