Breaking The Habit

Palawan, nagiging daluyan ng ilegal na sigarilyo at vape

Sa likod ng magagandang tanawin at dalampasigan sa isla ng Palawan ay ang lumalalang pamumuslit ng ilegal na sigarilyo at vape. Tara na’t alamin natin ang mga pangyayari at kung paano nagkakapit-bisig ang publiko laban dito. 

Ang Nakaraan

Noong May 1, nahuli ng mga awtoridad ang mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.4 milyon sa Brooke’s Point, Palawan. Isinagawa ang operasyon sa 5 “crucial areas” at 7 warehouses sa Barangay Saraza at Barangay Maasin. Dahil dito, sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na umabot na sa P150 milyon ang tax liabilities mula sa mga nahuling sigarilyo!

Pero, alam nyo ba na hindi ito ang unang beses na ni-raid ang Brooke’s Point? Dahil noong February 18, nahuli rin ng mga awtoridad ang mahigit-kumulang P120,000 na ilegal na sigarilyo! Palawan naman, o? Hindi pa nga tapos ang 2024, pero parang napakarami ng krimen diyan!

Ang Daluyan

Ngayon, bakit napapadalas ang smuggling sa Palawan? Ganito kasi iyon:

Ang Palawan ay isang isla sa kanlurang bahagi ng Pilipinas at malapit sa internasyonal na tubigan. Dahil dito, madali itong marating ng mga barko, at nagiging daanan ito ng mga ilegal na produkto mula sa ibang bansa.

Kamakailan lang, umabot nga sa 48% ang mga insidente ng smuggling ng ilegal na sigarilyo at vape sa lugar! Ito pa: tinuturo ang Southern Palawan bilang daluyan ng mga ilegal na produkto mula sa Malaysia, Indonesia, at Cambodia. Hindi yan ang international coverage na kailangan natin!

READ: Borderless: Smuggling in the Philippines is a Coast Guard Problem

Ang Direktiba

Kung ito ang estado ng Palawan ngayon, ano ang sinasabi ng gobyerno?

Inutusan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang BIR at Bureau of Customs (BOC) na higpitan ang kanilang mga hakbang laban sa ilegal na sigarilyo at vape sa bansa.

Ika nga niya, “Enforcement and anti-smuggling and all that. You really have to beef them up and I think we’re doing that.” At sa ngayon, may mga nangyayari na para tugunan ito!

Ang Mga Hakbang

Una, laging present ang BIR at BOC pagdating sa mga raids sa Palawan. Pangalawa, may mga nasambit sina BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. at BOC Commissioner Bienvenido Rubio para puksain ang mga ilegal na yosi at vape dito.

Magkakaroon ng tax stamp system ang BIR para makilala ang mga tunay na produkto mula sa mga smuggled, habang mas tututukan ng BOC ang mga cargo na pumapasok sa Pilipinas. Sana naman, wala nang mamumuslit sa mga balikbayan boxes, ano?

Ang Bayanihan

Pero syempre, hindi lang ang BIR at BOC ang umaaksyon sa laban kontra smuggling! Sa Palawan, nakikipagtulungan ang 2 ahensya sa lokal na pamahalaan, mula sa coast guard, hanggang sa PNP at sa mga barangay officers. Shoutout din sa coast guard kasi sila ang nagsisilbing “checkpoint” kapag may hinahatid na mga produkto mula sa mga barko. 

Alinsunod din ito sa sinabi ni Commissioner Lumagui: “The BIR is continuous in its war against illicit vape and cigarette trade, all over the Philippines. Whether the illicit trade is in Palawan or in Metro Manila, we will pursue them. Our regional and district offices have their orders to deploy all available manpower in curbing illicit vape and cigarette trade.”

At kasama ang pagba-bayanihan mode ng mga ahensya sa “whole-of-government” approach ni Pangulong Marcos para matiyak na sumusunod ang mga negosyo dito at mapataas ang koleksyon ng buwis mula sa mga regulated products.

Sa mga kaibigan nating taga-Palawan, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa tulong ng iba’t ibang ahensya at sa inyong suporta, unti-unti nating mapupuksa ang mga ilegal na sigarilyo at vape para sa isang ligtas at maayos na isla!

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *