fbpx
Mind & Body

DepEd pumreno, gustong prayoridad ang kalidad ng edukasyon

DEKALIDAD na edukasyon. Yan na ang prayoridad ng Department of Education (DepEd). Kung dati ay pangunahing hangarin ng ahensya ang pagpasok ng mas maraming bata, ngayon mas paiigtingin na nito ang kalidad ng pagtuturo.

Sa isang press conference sa Cebu, ipinaliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang dekalidad na edukasyon ay may tatlong bahagi.

Una, kinakailangang may epektibong sistema. Sistema na naaayon sa mga paaralan sa buong bansa, sinusunod ng lahat ng guro, at pare-parehong mga eksaminasyon para sa lahat.

Ikalawa ang paniniguradong magaling ang mga guro at iba pang pamunuan ng mga paaralan.

Advertisement

Pangatlo ang pag-iingat na sana ang estudyante ay tatapusin ang kaniyang pagpasok sa paaralan. Sana matapos ang sinimulan, sa tulong ng epektibong edukasyon at suporta ng magulang.

“While participation rates are up, we still cannot as yet leave access issues behind. Our access interventions must come from understanding the reasons why certain students drop out or are not in schools,” (“Mas marami nang pumapasok, pero hindi pa tapos ang laban. Kailangan nating maintindihan kung bakit mayroon pa ring mga hindi nagtatapos o hindi pumapasok.”) ayon kay Briones.

Ika ni Briones, prayoridad ang mga solusyon na pang matagalan, at dapat alamin ang mga dahilan ng pagtigil ng pagpasok ng mga bata mula pa lamang sa buhay pamilya nila.

Karamihan daw sa lalaki ay tumitigil para tumulong sa kita ng pamilya, habang pagkabuntis naman daw ang isang dahilan para sa mga tinedyer na kababaihan.

Briones noted that boys quit school to work to augment the family income, while teenage pregnancies push girls to drop out.

Kalidad ng K to 12

Sa susunod na limang taon, kailangan ding idagdag sa kurikolo ng K to 12 ang Noli Mi Tangere, Ibong Adarna, at Kasaysayan ng Pilipinas sa paraan ng creative arts tulad ng ballet, teatro, at musika – lalo na ang mga kwentong nagtuturo ng magandang asal sa mga kabataan.

Dagdag ni Briones, mas gagaling pa ang mga guro at pamunuan ng mga paaralan dahil sa National Educators Academy of the Philippines (NEAP Transformation).

Prayoridad din ng DepEd ang mga programang imprastraktura tulad ng Last Mile School Project, na nagkakahalagang P40-bilyon para magtayo at magpaayos ng mag paaralan sa mga kabundukan at liblib na lugar – lalo na ang mga nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad.

via Manila Bulletin / Minerva Newman

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close