Lifestyle & Culture

Revisiting History with Tanghalang Pilipino’s Mabining Mandirigma: A Steampunk Musical

Isang malikhaing pagsasadula ng buhay ni Apolinario Mabini – ang Dakilang Lumpo at ang Utak ng Rebolusyon.

Inihahandog ng Tanghalang Pilipino ang Mabining Mandirigma: A Steampunk Musical.

Isa itong pagsasadulang mas magmumulat ng ating mga mata sa tunay na buhay ng isa sa pinakamaimpluwensiyang tao sa ating kasaysayan.

Dito natin mas lalong makikita ang importansya ng pagbabalik-tanaw sa ating kasaysayan, nang tayo’y matuto at gamitin ang araling ito para mas patatagin ang ating bansa.

“If we learn from history then hopefully, we do not make the same mistakes again and we are able to move forward in a clearer way, as a people and as a nation,” pahayag ni Direk Chris Millado.

Tunghayan sina Monique Wilson bilang Apolinario Mabini, Hazel Maranan bilang alternate Apolinario Mabini, David Ezra at Arman Ferrer bilang Emilio Aguinaldo. Sa panulat ni Dr. Nicanor Tiongson, sa komposisyon ni Joed Balsamo at sa direksyon ni Chris Millado.

Ngayong August 16 to September 1 sa CCP Little Theater, Tanghalang Aurelio Tolentino, Cultural Center of the Philippines, Roxas Blvd., Pasay City.

Para sa ticket, maari lang puntahan ang page na ito: http://bit.ly/MabiningMandirigmaTickets

Sa karagdagan impormasyon, bisitahin ang kanilang Facebook page: Tanghalang Pilipino o mag e-mail sa tanghalangpilipinomarketing@gmail.com.

Tawagan sila sa Tanghalang Pilipino hotlines 0999-884-3821, 0915-607-2275, or 02-832-1125, local 1621.

 

Silipin ang aming panayam sa cast ng Mabining Mandirigma: A Steampunk Musical.

Show More

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *